FEU, Tagaod desididong makabalik sa UAAP Finals
MANILA, Philippines — Walang ibang nasa kukote ni Chenie Tagaod at ng Far Eastern University ang makabalik sa finals sa 87th season ng UAAP women’s volleyball tournament.
Magsisimula ang aksyon sa Pebrero 15 sa MOA Arena sa Pasay City kung saan walong teams ang may iisang pakay kaya asahang maligalig ang mga volleyball fans para panoorin ang kanilang paboritong players.
Naniniwala si veteran outside hitter Tagaod na malaki ang tsansa nila ngayong season dahil sa pagbabalik ni coach Tina Salak
Pinahirapan ng Lady Tamaraws ang defending champions National University Lady Bulldogs sa 86th season Final Four nang masagad ito sa winner-take-all Game 2.
“Yung sa Game 1 namin against NU from semis, parang doon kami huhugot na kaya pala namin manalo, hindi namin naisip na ganon na pala iyung team namin, sobrang laki ng na-improve ng team,” ani ng 23-anyos na si Tagaod.
Maliban kay Tagaod, kakapitan ni Salak ang ibang bataan niyang sina Congolese Faida Bakanke, playmaker Tin Ubaldo, Alyzza Devosora, Gerzel Petallo, Jean at Ann Asis.
Nandyan din ang ibang Lady Tams na tutulong sa pagtupad ng pangarap ay sina Mitzi Paningin, Melody Pons, Florize Papa, liberos Margarett Encarnacion at Juliane Monares at middle blocker Jazlyn Ellarina.
- Latest