Pahinga bago bakbakan
Nagkasukatan, nagkaalaman, at ang NorthPort, TNT, Rain or Shine at Barangay Ginebra ang natirang nakatayo sa PBA Commissioner’s Cup rumble.
Mabilis umusad ang quarterfinals kung saan laglag ang Magnolia, Eastern, Converge at Meralco.
Ang siste, eh mas mahaba ang magiging paghihintay sa pagsisimula ng semifinals sa Feb. 26.
Magbibigay-daan ang conference sa FIBA games na lalaruan ng Gilas Pilipinas.
At sa period na ito, kasama sa labanan ng Batang Pier, Tropang Giga, Elasto Painters at Gin Kings ang pag-aalaga ng kondisyon.
Sino ang mapapanatili ang sharpness? Sino ang bababa ang laro? Sino ang mawawala ang momentum?
Ganon pa man, mainit na bakbakan pa rin ang aasahan sa NorthPort-Ginebra at TNT-ROS semifinal series.
Posible ang title rematch sa pagitan ng TNT at Ginebra.
At maaari rin ang title duel between independent teams – NorthPort kontra Rain or Shine.
***
Sa Valenzuela, pinipilit ni Pareng Kandong Pabaya na siya ay nadupilas lang kaya napunta ang MVP honors kay Danilo Limsiaco sa kanilang title run sa Maysan 40-Up basketball tournament.
Kampeon ang Team Kampay/Purok 7 nina Pabaya at Limsiaco.
At ngayon pa lang todo na ang weight training ni Pareng Kandong, umaasa sa second straight championship at MVP citation.
- Latest