Pinoy curlers puwede pa sa medalya
MANILA, Philippines — Maaari pang lumaban para sa medalya sina Filipino curlers Marc Pfister at Kathleen Dubberstein, habang umabante si speed skater Peter Joseph Groseclose sa krusyal na bahagi ng kanyang mga events bago ang opening ceremony ng 9th Asian Winter Games sa Harbin, China.
Bagama’t nabigo sina Pfister at Dubberstein sa kanilang mixed doubles semifinal encounter laban kina Japanese Aoki Go at Koana Tori, 3-10, ay puwede pa silang makasampa sa bronze-medal match.
Swak si Groseclose sa semifinals ng 1500 meters at sa quarterfinals ng 500m in men’s short track speed skating at sa 1000m.
“I’m excited to have started my Asian Winter Games campaign on such a strong note, advancing through the semifinals and quarterfinals in all events,’’ ani Groseclose.
Hangad ng 17-anyos na Winter Youth Olympian na makarating sa podium sa 1500m, 500m at sa 1000m.
Sumegunda si Groseclose sa una sa walong heats sa 500m sa kanyang bilis na 42.562 segundo para makapasok sa quarterfinals.
- Latest