^

PM Sports

Clarkson, George itinakas ang Jazz

Pang-masa
Clarkson, George itinakas ang Jazz
Ikinasa ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Jazz ang kanyang jumper laban kay Draymond Green ng Warriors.

SALT LAKE CITY — Kumamada si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 31 points at may 26 markers si Keyonte George para banderahan ang Utah Jazz sa 131-128 pagtakas sa Golden State Warriors.

Naglista si Isaiah Collier ng 20 points at 11 assists para sa Jazz (12-37) habang may 19 at 15 markers sina John Collins at Walker Kessler, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Stephen Curry ang Warriors (25-25) sa kanyang 32 points at may career-high 29 points si Brandin Podziemski sa gabing ibinigay ng Golden State sina forwards Andrew Wiggins at Kyle Anderson at isang top-10 protected 2025 first-round pick sa Miami Heat kapalit ni Jimmy Butler.

Kasama din sa trade ang Utah na nakuha si guard Dennis Schroder mula sa Golden State habang tatanggapin ng Detroit Pistons si Lindy Waters III buhat sa Warriors at si Heat guard Josh Richardson.

Sa likod ng mga three-point shots nina Curry at Buddy Hield ay kinuha ng Warriors ang 120-110 abante sa 3:30 minuto ng fourth period.

Ang dalawang dikit na triples ni Clarkson at tres ni George ang nagtaas sa Jazz sa 130-126 sa huling 27 segundo.

Sa Philadelphia, bumira si Tyler Herro ng 30 points at humakot si Bam Adebayo ng 18 points at 13 rebounds para tulungan ang Miami (25-24) sa 108-101 pagsunog sa 76ers (20-30).

Sa Detroit, ipinasok ni Darius Garland ang isang 31-foot 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer sa 118-115 paglusot ng Cleveland Cavaliers (41-10) sa Pistons (25-26).

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with