^

PM Sports

Chery Tiggo pinigilan ang Galeries

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinigilan ng Chery Ti­ggo ang hangarin ng Ga­leries Tower matapos ilusot ang 30-28, 20-25, 19-25, 25-16, 15-8, sa huling laro ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference para sa taong 2024 kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw si Ces Robles ng 21 points mula sa 20 attacks at isang service ace para ibangon ang Crossovers mula sa naunang kabiguan at itaas ang baraha sa 4-2.

Nag-ambag si Aby Maraño ng 15 markers at may 14, 13 at 11 points sina Pauline Gaston, Shaya Adorador at Ara Galang, ayon sa pagkakasunod.

Bigo ang Highrisers, nakahugot kay France Ronquillo ng 18 points, na mailista ang back-to-back wins at bumagsak sa 1-5 marka.

Itinakas ng Chery Tiggo ang first set, 30-28, na tumagal ng 37 minuto bago angkinin ng Galeries Tower ang second at third frame para lumapit sa inaasam na ikalawang sunod na ratsada.

Ngunit nagtuwang sina Robles, Adorador at Gaston para itabla ang Crossovers sa Highrisers sa fourth set, 25-16.

Pagdating sa fifth frame ay bumida sina Robles at Adorador para sa 8-4 abante ng Chery Tiggo patungo sa 15-8 pagligpit sa Galeries Tower.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with