Milka tututukan ang sports development
MANILA, Philippines — Hangad ni 1Pacman Partylist first nominee at Capital1 co-owner Milka Romero patatagin at palawakin pa ang grassroots sports development program sa bansa.
Nais nitong mas palakasin ang volleyball programs upang makatuklas ng mga bagong talento na susunod sa yapak ni volleyball star Alyssa Valdez.
Kaya naman isa sa programa ni Romero ang pagpapalawak ng grassroots development program kabilang na ang pagdaraos ng ilang serye ng volleyball clinics sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dumayo pa ang gurpo ni Romero sa Cebu City at Lapu-Lapu City para sa ilang clinics na naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga batang nais na maging mahusay na volleyball players sa mga susunod na henerasyon.
Katuwang ni Romero ang PVL team Capital1 sa volleyball clinics kung saan kasama sina Solar Spikers stars Iris Tolenada, Leila Cruz, Roma Mae Doromal, Jorelle Singh at Des Clemente sa clinics gayundin si coach Roger Gorayeb.
Nagharap din ang Capital1 at Galleries Towers, at ang Cignal at NXLED sa PVL sa Minglanilla Sports Complex.
Awardee si Romero ng Honorary Modern Filipina Heroism of the Year sa 7th Nation Builders and MOSLIV Awards.
Nais ni Romero na dalhin ang PVL stars sa mga probinsiya upang maging inspirasyon ang mga ito ng batang atleta.
- Latest