^

PM Sports

Back-to-back wins target ng Galeries sa Chery Tiggo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang ikalawang sunod na panalo ang target ng Galeries Tower sa pag­harap sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Lalabanan ng Highrisers ang Crossovers nga­­yong alas-4 ng hapon ka­sunod ang buntalan ng Cignal HD Spikers at Petro Gazz Angels sa alas-6:30 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Iniskor ng Galeries To­wer ang una nilang pa­nalo sa torneo matapos ang 0-4 panimula mula sa 26-24, 25-14, 25-23 pagwalis sa Capital1 Solar Energy noong nakaraang Sabado sa Cebu City.

“We’re really hoping to get many, many more wins this conference. And, siyempre, paghihirapan talaga namin ‘yun,” sabi ni rookie setter Julia Coronel sa kanilang panalo.

Muling makakatuwang ni Coronel sina Je­wel Encarnacion, Ysa Ji­menez, Andrea Marzan at France Ronquillo.

Nakalasap naman ang Chery Tiggo ng 25-22, 24-26, 18-25, 20-25 kabiguan sa Akari para sa 3-2 marka sa huli nilang laro.

Sina Cess Robles, Pauline Gaston, Ara Galang at Aby Maraño at Mary Rhose Dapol ang muling babandera sa Crossovers.

Sa ikalawang laro, ha­ngad ng Cignal (4-0) na muling masolo ang li­derato sa pakikipagtuos sa Petro Gazz (4-1).

Galing ang HD Spi­kers sa paggupo sa Nxled Cha­meleons at na­ka­tikim ang Gazz Angels sa pana­lo sa PLDT High Speed Hitters.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with