Worshipful Master wagi sa Pasay City Calixto Cup

MANILA, Philippines — Napalaban nang todo ang Worshipful Master ba­go nakuha ang panalo sa 11th Pasay City Calixto Cup sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Ba­tangas.

Umarangkada paglabas ng aparato ang Wor­ship­ful Master pero mas matulin ang Every Sweat Counts ka­ya nakuha ng huli ang bandera at hiwa­kan ang dalawang kabayo ang agwat sa unang kur­ba­da.

Pagsapit ng kalagitna­an ng karera ay nasa unahan pa rin ang Every Sweat Counts, pangalawa ang Worshipful Master, habang tersero ang Bill Jor­dan.

Papalapit ng far turn ay kumuha na ng unahan ang Worshipful Master, nasa pangalawa naman ang Bill Jordan at pangatlo ang Diamond Heart.

Tatlong kabayo ang lamang ng Worshipful Master kay Bill Jordan sa home turn pero nagka­panabayan sa rektahan.

Kayugan sa unahan bago umungos ng leeg ang Wor­shipful Master sa Bill Jordan pagtawid ng meta.

Show comments