Eastern sosolohin ang third place
MANILA, Philippines — Tatlong oras ang inabot ng biyahe ng guest team Eastern mula sa kanilang hotel sa Cubao, Quezon City patungo sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila para sa laro nila ng TNT Tropang Giga noong Biyernes.
Umaasa ang Hong Kong team na hindi na nila mararanasan ang ‘Manila traffic’ sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-5 ng hapon sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Medyo malapit ang venue sa kanilang hotel at natuto na rin sila ng leksyon.
“We already did taping and dressing in the bus actually because we didn’t predict well the travel time we needed. Now, we know Manila very well,” ani coach Mensur Bajramovic. “So now we will change our time of leaving from the hotel to come early.”
Tinalo ng Eastern ang TNT, 105-84, sa nasabing laro kung saan bumanat si dating NLEX import Cameron Clark ng 36 points at 14 rebounds para sa kanilang 3-1 record.
Determinado naman ang Blackwater na makasampa sa win column matapos ang 100-118 kabiguan sa Magnolia at 95-107 kamalasan sa NLEX.
“Each game is tough, each game is a new challenge. PBA teams have different styles of playing and for each game we need to make adjustments,” sabi ni Bajramovic sa pagharap nila sa Bossing.
Sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi ay maghaharap ang Rain or Shine at nagdedepensang San Miguel.
- Latest