Spurs iniskoran ang Utah Jazz

SAN ANTONIO — Humakot si forward Harrison Barnes ng 25 points at 10 rebounds, habang may 18 markers si rookie Stephon Castle para gabayan ang Spurs sa 126-118 panalo sa Utah Jazz.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng San Antonio (8-8) sa kabila ng hindi paglalaro ni star center Victor Wembanyama sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Nag-ambag si Zach Collins ng 18 points at tumipa si Chris Paul ng 13 points at 10 assists.

Binanderahan ni star forward Lauri Markkanen ang Utah (3-12) sa kanyang 27 points kasunod ang 19 mar­kers ni Keyonte George.

Bagsak ang Jazz sa ikaapat na dikit na kamalasan.

Bumangon ang Spurs mula sa isang 18-point deficit sa third period kug saan sila umiskor ng 34 points.

Nakatabla ang San Antonio sa 89-89 sa pagsisimula ng fourth period bago iwanan ang Utah patungo sa kanilang panalo.

Sa Los Angeles, isinalpak ni Franz Wagner ang isang go-ahead three-point shot sa huling 2.5 segundo para sa 119-118 paglusot ng Orlando Magic (10-7) kon­tra sa Lakers (10-5).

Sa Charlotte, naghulog si Brandon Miller ng 38 points sa 123-121 overtime win ng Hornets (6-9) laban sa Detroit Pistons (7-10).

Sa Toronto, umiskor si RJ Barrett ng 31 points at may 17 markers si Scottie Barnes sa 110-105 paggupo ng Raptors (4-12) sa Minnesota Timberwolves (8-7).

Show comments