MANILA, Philippines — Isyu sa taekwondo, collegiate sports at ESports ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports ngayon Huwebes sa PSC conference room.
Panauhin para magbigay ng kanilang programa sina Olympic bronze medalist Stephen Fernandez at Ariel Gutierrez ng World ESports Federation sa forum na nakatakda sa ganap na alas-10:30 ng umaga.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal na makiisa sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa TOPS Facebook page, Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) ang pinakabagong mobile apps na Libreng mada-download sa inyong Android phone.
Ang programa ay itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.