MANILA, Philippines — Kagaya ng World No. 23 Dominican Republic, agresibo rin sa depensa ang No. 41 Angola.
Kaya alam na ni head coach Chot Reyes ang kanyang magiging estratehiya sa pagsagupa ng Nationals sa mga Angolans sa krusyal nilang laro ngayong alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
“Angola pressures the ball as much as Dominican Republic, so yeah definitely we have to make some adjustments in our offense,” sabi ni Reyes matapos ang 81-87 kabiguan ng Gilas Pilipinas sa Dominican Republic sa una nilang laban sa Group A noong Biyernes.
Kailangang manalo ang mga Pinoy cagers laban sa mga Angolans na nakalasap ng 67-81 pagkatalo sa No. 10 Italy para sa tsansang maging top Asian finisher at makuha ang nag-iisang Asian spot sa 2024 Paris Olympics.
“Our story was our 19 turnovers and we gave up 17 offensive rebounds,” ani Reyes kontra sa mga Dominicans. “We have to make sure that were able to cope with the defensive pressure of Angola.”
Sa nasabing pagyukod sa Dominican Republic ay kumamada si Fil-Am Jordan Clarkson ng 28 points, 7 boards, 7 assists at 2 steals at na-foul out sa huling tatlong minuto ng fourth period.
Samantala, bumangon ang Puerto Rico mula sa isang 12-point deficit para sa 101-96 overtime win sa South Sudan sa Group B sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsalpak si Stephen Thompson ng 21 points at 3 rebounds para sa 1-0 marka ng mga Puerto Ricans na nakahugot kay Tremont Waters ng 19, markers.
Kumamada si Carlik Jones ng 38 points at 11 assists para sa South Sudan.
Sa Okinawa Arena sa Japan, umiskor si Tornike Shengelia ng 16 points para sa 85-60 paggupo ng Georgia sa Cape Verde sa Group F sa duwelo ng dalawang World Cup debutants.