Cavs nakalusot sa Nets
NEW YORK, Philippines — Isinalpak ni Isaac Okoro ang isang three-pointer sa natitirang 0.7 segundo para itakas ang Cleveland Cavaliers laban sa Brooklyn Nets, 116-114.
Tumapos si Okoro na may 11 points para ilapit ang Cavaliers (47-28) sa unang playoff berth sapul noong 2018 mula sa kanilang two-game sweep sa Nets (39-34).
Umiskor si guard Donovan Mitchell ng 31 points, habang nagposte si center Evan Mobley ng 26 points at 16 rebounds para sa Cleveland na tinalo ang Brooklyn, 115-109, noong Martes.
Kumamada si Mikal Bridges ng 32 points sa panig ng Nets na nakahugot kina Spencer Dinwiddie at Joe Harris ng 15 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.
Naiwanan ang Cavaliers sa 104-112 sa huling 2:13 minuto bago isara ang laro mula sa isang 12-2 bomba.
Ito naman ang pang-limang sunod na kamalasan ng Brooklyn.
Sa Orlando, nagpasabog si rookie Paolo Banchero ng 21 points sa 111-106 pagsapaw ng Magic (31-43) sa New York Knicks (42-33).
Sa Los Angeles, kumana si Kawhi Leonard ng 32 points sa 127-105 paggupo ng Clippers (39-35) sa Oklahoma City Thunder (36-37).
Sa New Orleans, humakot si Brandon Ingram ng 30 points, 11 rebounds at 10 assists para sa una niyang triple-double sa pitong NBA seasons sa 115-96 panalo ng Pelicans (36-37) laban sa Charlotte Hornets (23-51).
- Latest