MANILA, Philippines — Hindi pa man nag-init sa kanyang upuan ay papalitan na kaagad si Noli Eala bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).
Naibigay na sa PSC office ang appointment letter ni Richard ‘Dickie’ Bachmann bilang kapalit ni Eala.
Nakatakdang umuwi sa Pilipinas bukas ang dating La Salle player at Alaska team manager at governor sa PBA Board matapos magbakasyon sa United States.
Noong nakarang linggo ay usap-usapan na ang siyapolan sa PSC top post apat na buwan matapos iluklok ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. si Eala bilang kapalit ni William ‘Butch’ Ramirez.
“My brief stint in the PSC gave me an opportunity to serve with passion in a field I hold close to my heart,” wika ni Eala. “With all humility, I can say that I gave dignity and respect to the position of Chairman and worked tirelessly for Philippine Sports.”
Nagsilbi si Eala bilang PBA Commissioner, executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at sports head ng SMC.
Aprubado na rin ang pag-upo ni Edward Hayco bilang PSC Commissioner.