Lady Eagles magpapalakas para sa Season 85

MANILA, Philippines — Desidido ang Ateneo de Manila University na maibalik sa kanilang teritoryo ang korona ng UAAP women’s volleyball tournament.

Kaya naman gagamitin ng Lady Eagles ang Shakey’s Super League na papalo sa Setyembre upang mas mahasa pa ang kanilang players para sa UAAP.

Ayon kay Lady E­agles head coach Oliver Almadro, magandang exposure ang Super League para mas mapataas ang kumpiyansa ng kanilang mga players.

“The more exposure we have, the better,” ani Almadro.

Aminado si Almadro na kaunti lamang ang na­ging paghahanda ng Lady Eagles bago magsimula ang UAAP Season 84.

Nagtapos lamang ang Ateneo sa ikatlong puwesto sa naturang season kung saan nagkampeon ang National University sa pamamagitan ng matamis na sweep.

“Last year, we really didn’t have much time to prepare. So having a pre-season tournament this time will help the team a lot,” ani Almadro.

Nalagasan pa ang Lady Eagles matapos magdesis­yon sina Erika Raagas at Jaja Maraguinot na tuluyan nang lisanin ang kanilang tropa at maglaro sa professional league.

Dahil dito,  maiiwan ang pasanin kina outside hitter Faith Nisperos at middle blocker AC Miner.

Maliban sa NU, kumpirmado na rin ang partisipasyon ng De La Salle University at University of Santo Tomas.

 

Show comments