Ramirez handa nang lisanin ang PSC

MANILA, Philippines — Handa na si William ‘Butch’ Ramirez na ipasa ang kanyang trabaho sa susunod na chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) simula sa Hulyo 1.

Sinabi kahapon ni Ra­­mirez sa PSC Hour program na magbobo­lun­taryo siyang maging adviser ng magiging PSC chief kung kinakailangan.

“I will really join the briefing of the incoming chairman, I will really tell him that if you feel comfortable I will volunteer to be your adviser,” wika ng 72-anyos na two-time PSC chairman.

Sa Hunyo 30 matatapos ang termino ni Ra­mirez sa sports agency ka­­sabay ni Pangulong Ro­drigo Duterte na kapwa niya tubong Davao.

Sa kanyang pagbabalik sa probinsya para ma­kasama ang pamilya niya ay aasikasuhin ng dating men’s basketball team coach at Athletic Director ng Ateneo de Da­vao University ang Mindanao Sports for Peace program.

Magtuturo rin siya ng kursong public administration.

Sa Lunes gagawin ni Ramirez ang pinakahuli niyang flag ceremony sa PSC.

Sa liderato ni Ramirez ay nakamit ng Pinas ang kauna-unahang Olympic Games gold medal mula kay weightlifter Hidilyn Diaz at dalawang beses na hinirang na overall champion ng Southeast Asian Games noong 20­05 at 2019.

Solidong suporta rin ang ibinigay ni Ramirez kina two-time World Gym­nastics gold medalist Caloy Yulo at World No. 6 pole vaulter Ernest John Obiena.

Show comments