DAVAO CITY, Philippines — Tinakasan ng Davao Occidental at Zamboan-ga ang mga kalaban sa kanilang playoff matches sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division sa Rizal Memorial Colleges Gym dito.
Naghahabol ng 11 points sa third quarter, nangailangan ang Davao Occidental Tigers ng da-lawang atake upang igupo ang Bicol Volcanoes, 77-71 habang pinigilan ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang final rally ng Batangas City Athletics upang hatakin ang 78-74 panalo.
Isang panalo na lamang ang layo sa semifinals ng pinapaborang Tigers at ang low-rated na Zamboanguenos.
Ang panalo ng Zamboanga, nalagay sa No. 5 pagkatapos ng round-robin elimination sa No. 4 na Batangas ang unang upset sa inter-division quarterfinals.
Sa opening games ng North division quarterfinals noong February 15, tinalo ng No. 1 San Juan Knights ang No. 8 Pasay Voyagers, 75-74 at dinurog ng No. 4 Pampanga Giant Lanterns ang No. 5 Bataan Risers, 71-64.
Pinangunahan ni Alvin Pasaol ang Zamboanga sa kanyang 17 points, 5 rebounds at 2 blocks katulong sina Robin Rono na may 13 points at 8 rebounds; Aaron Black na may 11 points, 4 rebounds; at Harold Arboleda na may 10 points at 7 rebounds.
Nakakuha naman ang Batangas ng 18 points, 6 rebounds at 5 assists mula kay MPBL All-Stars MVP Jeff Viernes; 16 points at 9 rebounds kay Jhyamo Eguilos; 11 points at 5 boards kay Adrian Santos; at 10 points at 6 boards kay Jason Melano.