MANILA, Philippines – Ilagan City, Isabela Lumangoy ang 12-an-yos na si Mark Bryan Dula ng Paranaque ng apat na gintong medalya kahapon upang paabutin sa lima ang kanyang nakolekta sa swimming competition ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg sa Old Isabela Sports Complex dito.
Hindi iniinda ni Dula ang init ng araw sa pag-angkin ng ginto sa boys 12-year and under 100-m butterfly (1:08.82), 200-m backstroke (2:44.46), 100-m backstroke (1:14.71) at 50-m butterfly (30.78). Nauna na siyang nanalo sa 50-m backstroke (33.46) noong Martes.
“Siya ngayon ang inaabangan sa 2019 Palarong Pambansa. Handang-handa talaga siya dahil the same event ang kanyang sasalihan sa Palaro kaya itong Batang Pinoy ay parang final test niya tungo sa big competition sa Davao City,” sabi ni Marlon Dula, ang kanyang father-coach na siya rin ang coach ni Micaela Jasmine Mojdeh ng Parañaque, umani rin ng dalawa pang ginto para sa kanyang kabuuang apat na gold pagkatapos ng ikala-wang araw ng medal-rich aquatics competition.
Dinomina ni Mojdeh ang girls 13-15-year 100-m butterfly (1:06.30) at 50-m butterfly (33.44). Ang kanyang unang panalo ay sa 200-m IM (2:34.91) at 400-m IM (5:25.11) kamakalawa.
“Masaya ako sa performance ko rito. Magpa-palaro rin kasi ako for the first time kaya maganda ang preparasyon ko,” ayon kay Dula na isang Grade VI estu-dyante ng Mashville Elementary School sa Parañaque na sumali sa Batang Pinoy sa unang pagkakataon.
Samantala, naghakot ang back-to-back national champion Baguio City ng ginto sa archery, taekwondo, pencak silat at arnis upang manatili sa ibabaw ng standing sa 13-15-21 gold-silver-bronze haul.