Atat nang sumabak ang Adamson sa UAAP men’s basketball finals

Franz Pumaren

MANILA, Philippines — Hangad ng Adamson Soaring Falcons na tapusin na ang mahabang 26 taon na pagkawala sa Finals sa kanilang semifinal do-or-die battle ng  University of the Philippines Fighting Maroons bukas sa Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Kung magtagumpay ang Soaring Falcons laban sa Fighting Maroons, susunod namang tutuldukan ni coach Franz Pumaren ang kanilang mahabang 41 taon na pagkauhaw sa titulo.

Nasungkit ng Adamson ang kanilang una at tanging championship crown sa UAAP noon pang 1977 matapos pumasok bilang regular member ng liga noong taong 1971.

Matapos ding manawagan si coach Pumaren sa suporta ng mga fans at alumni ng Adamson para tumbasan ang inaasahang pagdagsa ng UP followers, sinuspindi naman ni University President Fr. Marcelo V. Manimtim, C.M. ang klase at trabaho sa opisina simula alas-12 ng tanghali.

Nangyari ang winner-take-all match pagkaraang umiskor ang Nigerian na si Bright Akhuetie sa hu-ling 2.6 segundo upang iangat ang third seed na Fighting Maroons sa 73-71 panalo noong Sabado at burahin ang twice-to-beat advantage ng San Marcelino-based team.

“We didn’t want to lose, but we have to move on. We have to get ready for Wednesday and make sure that we get the win so we can make it to the Finals,” sabi naman ni Adamson top player Jerrick Ahanmisi.

Si Ahanmisi ay nagkaroon ng lagnat noong Sabado kaya tumapos lamang siya ng siyam na puntos sa 1-of-6 shooting sa field at 1-of-7 sa three-point area sa opening game ng semis.

“They’ve been saying a lot about the health of our players and it showed. That’s not his (Ahanmisi) 100 percent because he was hospitalized.You cannot force him, you have to pace him during practice. He doesn’t really have the legs at this stage. He just have to get back his rhythm first and it showed,” sabi ni coach Pumaren ukol kay Ahanmisi.

Ang magwawagi sa semis battle ng Adamson at UP ay haharap sa nagdepensang Ateneo Blue Eagles sa best-of-three Finals.

Show comments