MANILA, Philippines - Sinikap ng Philippine national women’s team na sabayan ang South Korea ngunit hindi sapat ang kanilang kakayahan sanhi ng 25-23, 25-18, 25-12 pagka-talo kagabi sa pagpatuloy sa 19th AVC Asian Senior’s Women’s Championship sa Biñan City, Laguna.
Hindi nalimitahan ng Pinay Spikers ang kanilang unforced errors kaya tinalo sila ng mas eksperyansiyadong mga Koreans sa tatlong sets lamang. Ito na ang kanilang ikalawang sunod na talo, una ay sa Kazakhstan, 23-25, 20-25, 19-25, noong Biyernes.
Maghaharap ang Philippine team at Vietnam ngayong araw alas-5:30 ng hapon sa pagsisimula ng quarterfinal round.
Kung mananalo ang tropa nina Mika Reyes at Alyssa Valdez, mananatili ang kanilang pag-asa na tumapos sa fifth o sixth place sa torneyo habang ang Korea, Kazakhstan, Japan at Thailand ay malaki ang tsansang aabante sa semifinal round na magsisimula sa Miyerkules.
Ang laban kontra sa Vietnam ay magiging sukatan din sa tsansa ng Filipina volleybelles sa kahandaan para sa nalalapit na 29th Southeast Asian Games dahil seryosong contender ang mga Vietnamese sa beinneal meet ngayong Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa iba pang quarterfinal matches, nanati-ling wala pang talo ang Kazakhstan sa Pool E matapos padapain ang Vietnam, 21-15, 25-23, 25-22, 25-20 para sa 2-0 card habang nangunguna naman ang Thailand at Japan sa Pool F sa parehong 2-0 panalo-talo makaraang magwagi sa magkahiwalay na laban.
Sinorpresa ng Thailand ang nagdedepensang China sa labang umabot sa limang sets, 25-22, 22-25, 25-16, 23-25, 15-12 habang na-ngangailangan lamang ng tatlong sets ang Japan para pigilin ang Chinese-Taipei, 25-19, 25-16, 25-20.