MANILA, Philippines – Magpapakita ng kanyang husay si Filipino figure skater Michael Martinez sa exhibition sa apat na siyudad sa Germany sa Dec. 20-29 na indikasyon ng tumataas na global recognition sa kanyang ice skills.
Inimbitahan si Martinez para manguna sa skating shows sa Saturn Arena sa Ingolstadt sa Dec. 20, sa Messe Halle sa Chemnitz sa Dec. 27, sa Donau Arena sa Regensburg sa Dec. 28 at sa Ellsportzentrum sa Oberstdorf sa Dec. 29 ni director Jennifer Weiss ng Spotlight Productions Sports and Entertainment of Wehrheim.
“Michael will be performing to two new music, one with a live band,” pahayag ng ina ni Martinez na si Teresa. “It’s a paid performance which was approved by the Philippine Skating Union, a requirement to do the shows. We’ll leave Los Angeles for Germany on Dec. 16 and return on Dec. 30. We’ll be spending Christmas in Germany.”
Kasalukuyang abala ang 19-anyos na si Martinez sa pagsasanay para sa kanyang paglahok sa World Championships sa Boston sa March 28-April 3, 2016.
Inangkin niya ang gold medal sa Triglav Trophy at sa Asian Open Trophy bago pumuwesto na pang-siyam sa Finlandia Trophy, pang-anim sa Audi Cup of China, pang-apat sa Warsaw Cup at pang-pito sa Golden Spin of Zagreb noong Dec. 2-5.
Plano ni Martinez na sumali sa Four Continents Championships sa Taiwan sa Feb. 16-21 at sa Coupe de Printemps sa Luxembourg sa March 11-13 para sa kanyang warm-ups bago sumabak sa World Championships.
Hindi pa tiyak kung lalahok siya sa isang torneo sa Enero o magsasanay na lamang sa Taiwan, Luxembourg at Boston.
Sa Zagreb, pumuwesto si Martinez sa No. 7 sa short program at No. 8 sa freeskate para maging seventh overall sa hanay ng 23 skaters sa kanyang nakuhang 202.82 points.
Siya lamang sa pitong skaters na nagtala ng higit sa 200 points.
Tinalo ni Martinez ang mga skaters mula sa Canada, Germany, Croatia, Finland, France, Spain, US, Italy, Slovenia, Kazakhstan, Ireland, Slovakia, Hong Kong at Czech Republic.
Ang Hong Kong entry na si Kwun Hung Leung ay ang kasalukuyang No. 21 sa standings.
“Michael doubled his two intended triple jumps in freeskate and that’s why his score was low (137.16 points for eighth place) although he didn’t fall,” sabi ni Theresa. “He has to upgrade the degree of difficulty in his jumps to the quadruple level. We’re confident he’ll have the quads in the February competition in Taiwan. In Zagreb, his toughest execution was doing his triple axel in combination from a matrix entry. He’s the only skater who’s done that so far.”
Nangibabaw naman kay Martinez sina first placer Denis Ten ng Kazakhstan, runner-up Adam Rippon ng US, Adan Pitkeev ng Russia, Gordei Gorshov ng Russia, Moris Kvitelashvili ng Russia at Alexander Johnson ng US.
Humakot ang 22-anyos na si Ten ng 276.39 points at naghari sa Four Continents Championships bukod pa sa kanyang bronze me-dal sa nakaraang Winter Olympics at World Championships. (QH)