Lalabanan si Pacquiao sa Mayo 2 payag na si Mayweather

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pag­kakataon ay tinugunan ni Floyd Maywea­ther, Jr. ang hamon sa kanya ni Manny Pacquiao.

“We are ready. Let’s make it happen. May 2. May­weather versus Manny Pacquiao. Let’s do it,” sabi ni Maywea­ther sa isang interview ng Showtime sa San Antonio, Te­xas kung saan may boxing card ang kanyang promotional company.

“Gawin niya. Hindi ‘yung puro lang siya sa­lita. Pumirma siya sa kon­trata,” hamon ni Pacquiao kay Mayweather.

Halos limang taon nang hinihintay ng mga bo­xing fans sa buong mun­­do ang pagtatakda ng Pacquiao-Mayweather su­­per fight.

Ang mga naging prob­lema sa negosasyon ay ang hatian sa premyo at pagsailalim sa isang Olympic-style random blood at urine testing.

“I would love to fight Manny Pacquiao. We tried to make the fight hap­pen years ago; we had prob­lems with random blood and urine testing,” ani Mayweather.

Ngunit hindi ito ang tu­nay na dahilan kung ba­kit hindi matuluy-tuloy ang kanilang banggaan ni Pac­quiao, ayon kay May­wea­ther.

Sinabi ni Mayweather na pilit na pinipigilan mismo ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang kanilang pagtutuos ni Pacquiao sa ibabaw ng bo­xing ring.

“Floyd Mayweather is not ducking or dodging any opponent,” wika ni May­weather. “Bob Arum is stopping the fight. We have been trying to make this fight happen for many years behind the scene.”

Nauna nang sinabi ni Arum na ayaw makipag-usap sa kanya ng kampo ni Mayweather.

Tahasang hinamon ng 35-anyos na si Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) ang 37-anyos na si Mayweather (47-0, 26 KOs) matapos pabagsakin ng anim na beses si American challenger Chris Algieri patungo sa kanyang unanimous decision win noong Nobyembre 23.

Sinabi ng Sarangani Congressman na ito na ang panahon para ibigay sa mga fans ang kanilang hi­nihiling.

Kumpiyansa si May­wea­ther na tatalunin niya si Pacquiao at patuloy na ibabandera ang malinis ni­yang boxing record.

“I know that he’s not on my level,” sabi ni May­weather kay Pacquiao “The fan would love to see the fight. And, of course, I want to go out with a bang.”

Hindi rin nakaligtas kay Mayweather ang na­unang kabiguan ni Pacquiao kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Mar­quez noong 2012.

Niresbakan ni Pacquiao si Bradley nang ku­nin ang unanimous deci­sion victory sa kanilang re­match noong Abril ng ta­ong kasalukuyan, habang wala naman siyang ba­lak labanan ni Marquez sa pang-limang pagkaka­ta­on.

Show comments