MANILA, Philippines - Tuluyan nang binita-wan ng Rain or Shine si No. 2 overall pick Kevin Alas.
Dinala ng Rain or Shine ang dating Letran Knights scoring guard sa Talk ‘N Text kapalit ni 6-foot-5 forward Niño ‘KG’ Canaleta kahapon sa isang three-team trade sangkot din ang NLEX.
Ang pagpirma ni Paul Lee sa isang two-year contract kamakailan ang pumuwersa sa Elasto Painters ni head coach Yeng Guiao na pakawalan si Alas, isang Gilas cadet player, dahil hindi na ito mabibigyan ng playing time.
Kasalukuyang nasa backcourt rotation ng Rain or Shine sina Lee, Jeff Chan, Chris Tiu, Gabe Norwood, Ryan Araña, Jeric Teng, TY Tang at Jonathan Uyloan.
Ibinigay din ng Rain or Shine si Canaleta sa NLEX kapalit ng 2015 first round pick ng Road Warriors.
Sa susunod na PBA Rookie Draft ay posibleng makuha ng Asian Coating franchise ang sinuman kina UAAP Most Valuable Player Bobby Ray Parks, Jr., La Salle center Norbert Torres at Fil-Tongan Moala Tautuaa.
Sa binagong trade deals sa hanay ng Talk ‘N Text at Globalport noong Lunes ng gabi ay inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagkuha ng Tropang Texters kay Jay Washington kapalit nina Noy Baclao, rookie Harold Arboleda at 2018 second round pick sa Batang Pier.
Ibinigay naman ng Globalport si Arboleda at ang kanilang 2016 at 2018 se-cond round picks sa NLEX para kay No. 4 overall pick Matt Rosser Ganuelas.
Dinala ng Batang Pier si Ganuelas sa Tropang Texters kapalit ng 2017 first round pick ng Talk ‘N Text.
Si Ganuelas ay naglaro para sa Philippine team ni Talk ‘N Text coach Jong Uichico sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar matapos maging miyembro ng koponan ni Gilas Pilipinas mentor Chot Reyes sa 2012 Jones Cup.
Posible pang i-trade ng Talk ‘N Text ang sinuman kina Washington at Ganue-las dahil lampas na sila sa itinakdang limit na limang active Fil-Foreign players sa bawat koponan.
Ang mga Fil-Ams ng Tropang Texters ay sina Jimmy Alapag, Kelly Williams, Ryan Reyes at Harvey Carey.