Orcollo, Corteza magdedepensa ng titulo sa WCP

MANILA, Philippines – Bubuksan ngayon ng Pilipinas ang makasaysayang kampanya sa  2014 World Cup of Pool sa Mountbatten Centre sa Portsmouth, England.

Sina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ang mga magkatuwang uli at magtatangka sila na maging kauna-unahang tambalan na nagtagumpay na naidepensa ang hawak na titulo.

Kung mananalo, ito ang lalabas na ikatlong pagkakataon na naghari ang Pilipinas sa kompetis-yong binigyan ng buhay noong 2006 sa Newport, Wales.

Sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ang mga natatanging manlalaro  na nakadalawang titulo sa liga pero nangyari ito noong 2006 at noong 2009 sa SM City North sa Quezon City.

Kalaro ng top seeds na sina Orcollo at Corteza ang entrada ng Chile na binubuo nina Alejandro Carvajal at Enrique Rojas.

May 32 koponan, dalawa galing sa host England, ang magtatagisan sa kompetisyon na matatapos sa Setyembre 28 at ang mananalo ay mag-uuwi ng $60,000,00 mula sa $250,000.00 kabuuang premyo.

Ang Pilipinas-Chile match ay isa sa tatlong laro na magsisimula sa ganap na ika-6 ng gabi at ang mananalo ay aabante sa second round laban sa magwawagi sa pagitan ng 16th seed Italy na binubuo nina Fabio Petroni at Danielle Corrieri at France na kinakatawan nina Stephan Cohen at Alex Montpelier.

Makakasama ng Italy at France sa pang-12 ng tanghali na laro ay ang 13th seed Greece vs Indonesia at 11th seed Austria vs Portugal.

Sina Niels Feijen at Nick van den Berg ng Holland na tinalo nina Orcollo at Corteza noong nakaraang taon, ay sa Miyerkules magbubukas ng kampanya kontra kina Andreas Gerwen at Tomas Larsson ng Sweden.

Ang iba pang pinapa-boran na magiging palaban sa titulo ay ang home teams na binubuo nina Darren Appleton at Karl Boyes (A) at Daryl Peach at Chris Melling (B), da-ting kampeon Ralf Souquet at Thorsten Hohmann ng Germany at US pair nina Shane Van Boening at Earl Stickland. (AT)

Show comments