SAN ANTONIO -- Noong nakaraang taon ay nakatutok si Shane Battier sa Grand Slam.
Matapos mabigong makaiskor sa Game 5 sa pagkatalo ng Heat sa Spurs noong Linggo ay kakaibang pagdiriwang ang ginawa ni Battier.
Kinumpirma ng 35-anyos na forward, pinag-iisipan nang magretiro sa pagtatapos ng kanyang kontrata ngayong season, sa Heat locker room na tatapusin na niya ang kanyang 13-year NBA career.