^

PM Sports

FIBA-Asia Cup sa wuhan ang huling laro ni Douthit

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang darating na 5th FIBA-Asia Cup sa Wuhan, Chi­na na nakatakda sa Hulyo 11-19 ang inaasahang ma­giging pinakahuling laro ni naturalized player Mar­cus Douthit para sa Gilas Pilipinas.

Ito ay dahil sa pagpalit sa kanya ni Andray Blatche ng Brooklyn Nets sa kanyang posisyon sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Spain na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

Nakatakdang bumalik sa bansa ang 34-anyos na si Douthit isang linggo bago simulan ni Gilas coach Chot Reyes ang kanilang training camp sa Hulyo 1.

Inaasahang matatapos ang PBA Governors’ Cup sa Hulyo 9 na magbibigay ng sapat na panahon sa mga Gilas players na naglalaro sa kanilang mga ko­po­nan sa PBA tournament na makapaghanda para sa FIBA-Asia Cup.

Hindi makikita ang 6-foot-11 na si Blatche sa natu­rang torneo sa Wuhan para dumalo sa negosasyon kaug­­nay sa kanyang NBA contract. 

Plano niyang gamitin ang kanyang opsyon para ma­ging isang free agent sa pagtatapos ng kanyang kon­trata sa Nets sa Hunyo 30. 

Ang 21 players na nasa FIBA Asia Cup pool ay sina Kevin Alas, Jimmy Alapag, Japeth Aguilar, Beau Belga, Jeff Chan, Paul Lee (Dalistan), Gary David, Ranidel de Ocampo, Jared Dillinger, Douthit, June Mar Fajardo, Larry Fonacier, Matt Ganuelas, Garvo La­nete, Gabe Norwood, Jake Pascual, Ronald Pascual, Marc Pingris, L. A. Tenorio, Jay Washington at Jayson Castro (William). 

Sina Alas, Douthit, Ganuelas, Lanete at Ronald Pas­cual ang mga miyembro ng Philippine squad na ku­muha sa gold medal sa Southeast Asian Games sa Myanmar noong nakaraang taon.

 Ang Pilipinas ay kasama sa Group B ng Chinese-Taipei, Jordan, Singapore at Uzbekistan. 

Ang Group A ay binubuo ng China, India, Indonesia, Iran at Japan. 

Walang laro ang Gilas Pilipinas sa Hulyo 11 at ma­kakalaban ang Chinese-Taipei sa Hulyo 12 para sa ka­nilang tournament debut. 

Matapos ang Chinese-Taipei ay haharapin naman ng Gilas Pilipinas ang Uzbekistan sa Hulyo 13 kasu­nod ang Singapore sa Hulyo 14 at ang Jordan sa Hul­yo 15. 

Ang Jordan ay gagabayan ni Serbian Rajko Toroman na dating gumiya sa Gilas Pilipinas.

Inihatid ni Toroman ang Jordan sa korona ng naka­raang West Asia Basketball Association sa Amman.

 

ANDRAY BLATCHE

ANG GROUP A

ASIA CUP

CHINESE-TAIPEI

DOUTHIT

GILAS PILIPINAS

HULYO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with