Commissioner Cristobal hihingi ng suporta mula sa 10 NCAA teams
MANILA, Philippines - Hindi kakayanin ng baÂgong NCAA Commissioner na ayuÂsing mag-isa ang probleÂma sa officiaÂting.
Kaya hinihingi niya ang kooperasyon, tulong at suporta ng 10 paaralan na kasali sa Season 90 paÂra matiyak na magiÂging maganda ang takbo ng NCAA basketball na magÂsisimula sa Hunyo 28.
“I want to ask for your cooperation,†wika ng NCAA commissioner ArÂturo “Bai†Cristobal nang dumalo sa kickoff ceÂremony ng liga sa Jose RiÂzal University Campus sa Mandaluyong.
Ang JRU ang tataÂyong host ng pinakamatandang collegiate league sa banÂsa at naniniwala sila sa kaÂpasidad ni Cristobal na bukod sa pagiging isang champion coach sa NCAA at ilang taon din na naupo bilang technical committee member nina daÂting Commissioners Aric del Rosario at Joe LiÂpa.
Makakatulong ang karanasang nakuha ni Cristobal pero hindi epektibo ito kung wala ang pagkaÂkaisa ng mga maglalaÂrong koponan.
“I can’t promise perfect officiating, dahil mahirap mangyari ito. But what I can promise is fair play,†dagdag nito.
Ang kanyang mga ipinasok na ideya ay makikita agad sa pagbubukas ng liga sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
- Latest