MANILA, Philippines - Asahan ang mas matinding laro mula sa NLEX Road Warriors para maisakatuparan ang misyon sa Game Two ng PBA D-League Foundation Cup finals kontra sa Blackwater Sports Elite ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa ganap na ika-3:30 ng hapon gagawin ang bakbakan at nais ng Road Warriors na maduplika ang 90-77 dominasyon sa nagdedepensang kampeong Elite sa Game One noong Huwebes.
Ang makukuhang pana-lo ay pambawi ng NLEX sa Blackwater Sports sa 2-0 sweep nang ang dalawang koponan ay magkita sa kampeonato noong nakaraang taon.
Makukumpleto rin ng NLEX ang pagwalis sa dalawang kampeonato na pinaglabanan sa D-League sa taong ito at maitatala ang 13-0 sweep sa Foundation Cup na magandang pamamaalam sa liga.
Ang NLEX at Blackwater Sports ay tinanggap ng PBA bilang dalawa sa tatlong expansion teams para sa papasok na season. Ang ikatlo ay ang Kia Motors.
Hindi pa tiyak kung tutuloy ang Road Warriors pero tiyak na totodo ng paglalaro ang koponan para maitala ang magandang pagtatapos sa taon.
“Alam kong gagawa sila ng adjustments pero magiging handa kami,†wika ni coach Boyet Fernandez.
Patuloy na humuhugot ng magandang laro ang NLEX sa kanilang mga starters sa pangunguna nina Ola Adeogun, Kevin Alas at Garvo Lanete pero ang nagpalalim sa koponan ay ang pagkinang ng bench sa pangunguna nina Arthur Dela Cruz at Ronald Pascual.
Ang dalawang ito ay nagsanib sa 35 puntos sa unang laro at kung mauulit ito ay tiyak na magbibigay ng problema sa Elite.
Bukod sa mas matibay na depensa, dapat ding magpakita ng pagtutulungan ang mga kasapi ng tropa ni coach Leo Isaac para makatabla sa serye at maihirit ang deciding Game Three sa Miyerkules sa Philsports Arena sa Pasig City.
“We played indivi-dual basketball and that is what we need to correct,†wika ni Isaac.
May 14 assists ang Blackwater sa unang pagkikita at lima lamang rito ay ginawa sa second half na kung saan lumayo ang Road Warriors.