MANILA, Philippines - Hindi lamang sa nega-tibo dapat tingnan ng mga miron ang kinalabasan ng kampanya ng Pilipinas sa 27th SEA Games sa Myanmar na natapos noong Linggo.
Umani ang 210-pambansang manlalaro ng 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medals ngunit sapat lamang ito para malagay ang bansa sa ikapitong puwesto na siyang pinakamasamang kinalugaran mula pa noong sumali ang Pilipinas sa regional games mula 1977.
Ayon kay Garcia, maituturing na debacle ang nangyari sa ipinadalang koponan kung ang placing ang pag-uusapan ngunit kung ang performance ang pag-uusapan, ay di hamak na maganda pa rin ito dahil kaunti lamang ang inilaban ng bansa.
“Mas maliit pa sana ang number na ito kung hindi tayo nagpasok ng mga token athletes. Mas maliit ang bilang ng athletes na ipinadala natin pero halos ang medalya na napanalunan nila ay halos kasing dami ng nakuha ng malaking delegasyon sa Indonesia noong 2011,†paliwanag ng PSC chairman.
Lumahok ang bansa sa 27 sports at sa bilang na ito ay tatlong sports na wrestling, women’s football at equestrian ang hindi nakapag-ambag ng kahit anong medalya.
Ang women’s football ay hindi rin dapat isinama ngunit pinahintulutan na lamang sa huli bunga ng ipinasok na mga Fil-foreign players.
Inuulan ng batikos ang mga sports officials bunga ng kinalabasang kampanya at may mga nagsasabi pang dapat nilang lisanin ang puwesto.
Pero hindi sang-ayon dito si POC secretary-general Steve Hontiveros na hinimok ang lahat na sa halip na pumuna ay tumulong na lamang kung paano itataas ang palakasan ng bansa sa limitadong pondo.
“You can’t just blame on one angle, teamwork ito. Di puwedeng mag-magic kung gusto natin manalo,†pahayag ni Hontiveros.
Tinuran niya ang Myanmar na tunay na binuhusan ng pondo ang mga manlalaro dalawang taon pa bago ang kompetisyon.
“May mga nangyaring dayaan lalo na sa subjective sports. But I was there at nagulat din ako sa kanila. It took them two years of intensive training. Ginastusan talaga nila and they trained in China,†pahayag ni Hontiveros.
Sa halip na pumuna, dapat na lamang na ilabas nila ang kanilang suhestiyon at tingnan kung kayang mangyari ito sa bansa.