Buenafe naaasahan ng Barako

MANILA, Philippines - Sa dalawang sunod na ratsada ng Barako Bull sa 2013-2014 PBA Phi-lippine Cup, si shooting guard Ronjay Buenafe ang palaging nagbibigay ng mahahalagang puntos para sa Energy.

Nagposte ang 6-foot-2 na si Buenafe ng ave-rage na 19.0 points per game para sa Barako Bull kaya siya nahirang bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa linggong Nobyembre 18 hanggang 24.

Ayon kay head coach Bong Ramos, ang produksyon ni Buenafe ay resulta ng kanyang walang tigil na pagpapaganda ng kanyang outside shooting.

“He’s always practicing hard and is always shooting around extra shots before and after training,” ani Ramos sa produkto ng Emilio Aguinaldo College. “He listens and follows instructions. Good attitude, great player.”

Sa 88-75 panalo ng Energy laban sa Air21 Express noong Nobyembre 20, umiskor ang 30-anyos na si Buenafe ng 11 points, tampok dito ang 3-of-6 shooting sa 3-point range, sa loob ng 19 minuto.

Tumipa naman siya ng conference-high na 27 points sa 97-93 pagresbak ng Barako Bull kontra sa Alaska noong Linggo.

Ang pilipit na tirada ni Buenafe sa huling 33.7 segundo ang nagbigay sa Energy ng 95-93 abante laban sa Aces upang makabangon mula sa 15-point deficit.

“I’m inspired po siguro sa mga teammates ko and family,” sabi ni Buenafe, ang No. 11 pick overall ng Coca-Cola noong 2007 PBA Draft.

 

Show comments