MANILA, Philippines - Nagsama-sama ang mga national athletes ng football, basketball at rugby sa pagtulong para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.
Sa kanilang Twitter account na @PHI_Azkals, sinabi ng grupo na magsasagawa sila ng isang donation drive bukas sa Mercato Centrale sa Taguig kaugnay sa mga mamamayan na gustong magbigay ng relief items.
“Azkals Fans Donation Drive for Yolanda Victims. November 15, 2013 4PM onwards at Mercato Centrale,†pahayag ng Azkals sa kanilang Twitter.
Nag-organisa naman si dating UAAP Rookie of the Year Keifer Ravena ng Ateneo Blue Eagles ng isang cha-rity basketball game sa Nobyembre 30 sa Blue Eagle Gym kung saan ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda.’
Hinikayat naman ng United Football League (UFL) ang kanilang mga supporters na mag-donate ng anumang maaaring makatulong sa mga biktima ng bagyo sa LBC centers at maging sa mga playing ve-nues sa kanilang mga laro.
“Football has always been a tool to bring people together. This is the time to show the football community’s solidarity in ensuring that our countrymen don’t feel alone in their struggles,†sabi ng UFL sa kanilang Facebook account na @UFLphilippines.
Tumulong naman ang Philippine Rugby team sa pagdadala ng mga relief goods sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) sa NAIA Chapel Road sa Pasay City noong Martes.