MANILA, Philippines - Kasabay ng paglayo ni Hermie Esguerra, balikatan para sa ikalawang puwesto sa pagitan nina Mandalu-yong City Mayor Benhur Abalos at Atty. Narciso Morales sa tagisan ng mga horseowners.
Si Abalos ay nananatiling nasa ikalawang puwesto sa P7,487,012.89 kinita pero nakadikit na si Morales na kumabig na ng P7,001,092.69.
Bagama't may matitikas na kabayo si Abalos tulad ng Hagdang Bato, bumabawi si Morales sa pagkakaroon ng mas maraming panlaban para makahabol sa palakihan ng kita ng mga may-ari ng kabayo.
May naipundar nang 45 panalo na ang mga lahok ni Morales bukod pa sa 53 segundo, 59 tersero at 51 kuwarto puwesto kumpara sa 26-13-10-7 karta ng mga panlaban ni Abalos.
Si Esguerra ay uma-lagwa na sa unahan matapos maging kauna-unahang horse owner na pumasok sa walong mil-yong premyo.
May 57 panalo, 37 segundo, 16 tersero at 25 kuwarto puwestong pagtatapos, si Esguerra ay may P8,203,398.25 kinita na.
Nasa pang-apat si Aristeo 'Putch' Puyat sa P6,783,564.64 (51-36-39-46), habang si Jecli Lapus ang nasa ikalimang puwesto sa P5,883,687.14 (30-40-57-38).
Si Mayor Leonardo 'Sandy' Javier Jr. ay nagpaparamdam na rin sa pagkapit sa ikasiyam na puwesto sa kinubrang P5,073,861.01 mula sa 36 panalo, 38 segundo, 28 tersero at 22 kuwarto puwesto.
Ang nasa ikaanim na puwesto ay si Eduardo Gonzales sa P5,683,913.62 (39-40-35-34), si Sixto Esquivias IV ang nasa ikapito sa P5,441,601.86 (38-25-37-29), ang SC Stockfarm ang nasa ikawalo sa P5,295,860.76 (23-12-19-12) habang ang Jade Bros. Frieght ang kukumpleto sa top ten sa P4,818,995.89 (32-28-35-45).