St. Claire nakalapit sa bck-to-back title

MANILA, Philippines - Binigo ng defending champion St. Clare ang Centro Escolar, 70-68, para makalapit sa kanilang ikalawang sunod na korona sa National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities men’s basketball championships kahapon sa Makati Coliseum.

Isinalpak ni Elmer Managuelod ang una niyang free throw sa huling dalawang segundo at sinadyang imintis ang ikalawa para ipreserba ang panalo ng Saints sa Game 1 ng kanilang best-of-three series ng Scorpions.

“Now we are one game closer to our goal,” sabi ni St. Clare coach Jinno Manansala.

Samantala, tinalo ng CEU ang Rizal Technological, 77-36, sa Game 1 ng women’s title series, habang pinayukod ng Fatima ang Scorpions, 67-60, sa juniors Game 1 finals.

Show comments