Accel 3xvi UAAP Player of the Week: Parks Jr. ‘di pahuhuli

MANILA, Philippines - Hindi makukumpleto ang taon kung hindi mababanggit ang pangalan ni Bobby Ray Parks Jr. sa mga manlalarong pinarangalan ng UAAP Press Corps.

Sa huling laro ng National University sa elimination round, iginawad sa 6’3” guard ang lingguhang ACCEL 3XVI UAAP Press Corps Player of the Week matapos tulungan ang Bulldogs na makagawa ng kasaysayan sa liga.

Kinalos ng Bulldogs ang nagdedepensang kampeon na Ateneo, 70-65 noong Miyerkules para kunin ang ika-10 panalo sa 14 na laro at okupahan ang number one spot sa pagtatapos ng elimination round.

Tumapos si Parks taglay ang  24 puntos bukod sa pitong rebounds, dalawang steals at isang assist at ang magandang pasa kay Dennice Villa-mor ang nagresulta sa tres ng huli para tiyakin ang tagumpay ng Bulldogs.

“This won’t happen if it wasn’t for them (teammates) stepping up and playing well,” ani Parks patungkol sa naabot ng NU.

May 18.3 puntos, 8.4 rebounds, 3.8 assists,1.1 steals at 1.1 blocks average sa elimination round, si Parks ay namumuro sa posibleng ikatlong sunod na Most Valuable Player title.

 

Show comments