Bobcats gusto pa si Henderson

CHARLOTTE, N.C. -- Pinalawig ng Charlotte Bob­cats ang kanilang qualifying offer kay guard Ge­rald Henderson na nagkunsidera sa kanya bilang isang res­tricted free agent, ngunit hindi kay center Byron Mul­lens.

Ang qualifying offer na $4.2 milyon kay Henderson ang nagbigay sa Bobcats ng pagkakataon na pan­ta­yan ang alok ng ilang NBA teams sa guard.

Nagdesisyon ang Bobcats na huwag nang palawigin ang $3.2 million qualifying offer kay Mullens.

Ang sentro ay isa nang free agent.

 

Show comments