MANILA, Philippines - Lalapit si Jundy Mara-on sa kanyang pinapa-ngarap na title bid sa pagsagupa kay Juan Carlos Payano ng Dominican Republic para sa World Boxing Association bantamweight title eliminator ngayon sa Richard J. Codey Arena sa South Orange, New Jersey.
Ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon na lala-ban si Maraon (15-0-1, 12 knockouts) sa nakaraang apat na taon sa pagharap kay Payano (13-0, 7 KOs).
Ang mananalo sa nasabing 12-round bout ang hahamon kay WBA title-holder Koki Kameda ng Japan.
“This is going to be a great fight,†sambit ni Ma-raon, sinasanay ni Filipino trainer Nonito Donaire, Sr. na ama ni dating unified world super bantamwight titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.
“It’s going to be a good fight. Hopefully Payano will engage with Maraon,†wika naman ni Donaire, Sr.
Nakasabay ng 28-an-yos na tubong Sominot, Zamboanga del Sur sa pagsasanay sa United States noong 2008 si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Sa kanilang weigh-in kahapon ay tumimbang ang 28-anyos na si Maraon ng 116.5 pounds, habang 116.9 pounds naman ang 29-anyos na si Payano.
“I know Jundy is po-werful but I came to do my thing,†ani Payano. “My dream is to become champ and Maraon is in the way of my dream.â€