Mixers vs Bolts para sa huling semis seat ang mananalo ang lalabanan ng Alaska Aces

LARO NGAYON

(Smart Araneta Coliseum)

6:45 p.m. San Mig

vs Meralco

MANILA, Philippines - Isang lugar na lamang ang hinihintay sa Final Four ng PBA Commissioner’s Cup at iyan ang paglalaban ng Meralco at defending champion San Mig Coffee sa kanilang ‘do-or-die’ game ngayon sa Smart Araneta Colise­um.

Nakatakda ang Game 3 ng best-of-three quarter­finals series ng Bolts at Mi­­xers sa ganap na alas-6:45 ng gabi.

Ang mananalo sa ‘sudden-death’ match na ito ang maglalaro sa best-of-five se­mifinals se­ries laban sa No. 1 seed at eli­mination round topnot­cher na Alaska simula sa Sa­bado sa Big Dome.

Sa Biyernes nakatakda ang Game 1 ng best-of-five semifinals wars ng Barangay Ginebra at Philippine Cup champion Talk ‘N Text.

Tinalo ng Gin Kings ang No. 2 seed na Rain or Shine sa kanilang quarterfinals series, 2-0, na tila napanood ni San Mig Coffee coach Tim Cone.

Butas ng karayom ang dinaanan ng Ginebra para marating ang semis, bagay na inaasahang pagdadaanan din ni Cone at ng kanyang Mixers.

“Nothing comes easy in the playoffs as evidenced by the Ginebra-Rain or Shine game. That’s the way we expect our game to play out – a tough, down-to-the-wire battle that can go to either team,” pahayag ni Cone.

“But we like our chan­ces and we’ll go for it. We’ll just need to play a very focused game,” dagdag pa nito.

Binuhay ng San Mig Cof­fee ang sarili para dalhin sa Game 3 ang ka­nilang serye matapos mag­wagi, 100-92, sa Game 2 noong Linggo.

Nanalo ang Meralco sa Game 1 mula sa ka­nilang 88-85 tagumpay no­ong Biyernes.

 

Show comments