MINNEAPOLIS -- Naiwanan ng 11 puntos sa fourth quarter laban sa koponan na alam ng New York Knicks na kaya nilang talunin.
Hindi naman inaasahan ni Carmelo Anthony ang kabiguan.
Humakot si Anthony ng 36 points at 9 rebounds paÂra pangunahan ang Knicks sa 100-94 paggupo sa MinÂnesota Timberwolves noong Biyernes ng gabi.
Ibinangon ni Anthony ang Knicks mula sa 76-87 agÂwat sa huling pitong minuto.
Ang isang 19-footer ni Anthony sa huling 1:10 ang tuÂmiyak sa panalo ng New York.
“This was one of the games we had to win,†sabi ni Anthony. “We had to go get it. Our backs were kind of against the wall, being down 11. It was one of those games we didn’t want to look back on saying we should have won this game, kind of like the Wizards game.â€
Umiskor naman si Derrick Williams ng 19 points, haÂbang nagtala si Ricky Rubio ng 18 points at 11 assists para sa Timberwolves.
Ito ang ika-14 na kabiguan ng Minnesota sa kaÂnilang huÂling 16 laro.
Tumipa si Nikola Pekovic ng 16 points at 11 rebounds, ngunit walang nakadepensa sa Timberwolves sa pagratsada ni Anthony.
Nagdagdag si J.R. Smith ng 15 points at 8 rebounds para sa Knicks.
Umiskor si Luke Ridnour ng 20 points para sa paÂnig ng Minnesota, nagkaroon ng tsansang agawin ang unaÂhan sa huling 30 segundo matapos makalapit sa New York sa 94-95.