FIBA-Asia c’ships muna bago PBA Governor’s Cup

MANILA, Philippines - Dalawang buwan ang ibinigay na panahon ng PBA Board of Governors sa Gilas Pilipinas National basketball team para paghandaan ang FIBA-Asia Men’s Basketball Championships na gaganapin sa bansa sa darating na Agosto.

Nangyari ito pagkatapos disisyunan ng PBA Board na ipostpone ang season-ending Governors Cup at  idaos  pagkatapos na ng FIBA-Asia championships na nakatakda sa Agosto 1-10.

“The PBA team owners have agreed to make way for the FIBA-Asia tournament by transferring the third conference of the current 2013 season from the original May-July sked to August-October,” pahayag ni PBA Commissioner Chito Salud sa isang statement sa media kahapon.

Kabilang din sa binago ng PBA Board ay ang magiging format ng PBA Commissioner’s Cup na magsisimula na ngayong Biyernes na itutulad na sa nakaraang Philippine Cup.

“As a result of these adjustments, Gilas Pilipinas will have two months of unhampered training as a team. Regular Monday practices will commence as soon as Gilas coach Chot Reyes finalizes the line-up of our team,” wika ni Salud, sabay dagdag na ang mga pagbabagong ito ay pormal na aaprubahan ng PBA Board sa isang special nilang pagpupulong para sa nasabing adhikain ngayong Huwebes.

“When good men reason together, the outcome is inevitably beneficial to everyone. In this case, our owners placed National interest above all considerations. I am so proud of the PBA,” pahayag pa ni Salud.

Pagkatapos ng nasabing PBA Board meeting na rin ilalabas ni Reyes ang kanyang wish-list ng PBA players para sa Gilas Pilipinas pool kung saan manggaga-ling ang listahan ng official lineup para sa FIBA-Asia.

“Final pool to be released Thursday after special PBA board meeting,” pahayag ni Reyes sa kanyang Twitter account.

Show comments