Itulog lang ang problema
Kapag na-stuck sa problema, minsan ang pinakamagandang gawin ay tumigil muna sa pag-iisip. Sa research, ang pag-iglip o pagkakaroon ng break ay nakatutulong sa brain na gumawa ng pathways para sa solution ng problema.
Sa bagong pag-aaral, napag-alaman ang epekto ng tinatawag na incubation na gumagamit ng sound para makapagpokus sa natutulog na isipan na ang target ay sa pagresolba ng problema. Sa monitor ay nakita na kahit natutulog ang tao ay nagtatrabaho pa rin ang brain sa pagproseso kahit ng mga kumplikadong paraan.
Sa test ng mga scientists ay napatunayan na ang memory ng puzzle ay nagpapa-improve ng problem-solving. Tuwing natutulog ang tao, ang bahagi ng brain ay nagre-replay ng memories, nagre-recharge, at nagta-transform. Para pagkagising sa umaga ay fresh ang isipan.
Ang pagtulog ay hindi magic, kundi kailangan ng tao nang sapat na tulog. Ito ay paraan ng indibidwal na gawin ang kanilang homework na magpahinga upang ma-load sa isipan na may mga pirasong puzzle na kailangan ikonek sa mga negatibong isyu. Katulad ng payo sa atin ng mga magulang o kaibigan na kapag dumadaan sa problema na nagsasabi na itulog lang ang problema. Upang makapagpahinga ang magulong kalooban at isipan na minsan ang kailangan mo lang ay pahinga.
- Latest