Tips sa healthy eyes

Masasabing ang ating mga mata ang pinaka-importanteng parte ng ating katawan kaya naman dapat na ating ito’y pahalagahan at ingatan.

Iwasan ang sobrang pagpapagod ng mata, pu­mikit ng dalawang minuto kada-tatlong oras para ma-relax ang mata.

Kung nananalamin, uga­liin itong tanggalin ba­wat dalawang oras para mapagpahinga ang mata.

Masahihin ang paligid ng mata in circular motion.

Kapag lumalabas, uga­liing tumingin sa malayo at huwag sa sariling paa. Sa paraang ito ay mas mai-exercise ang mga mata. Dalasan ang pag-inom ng carrot juice ganun din ang pagkain ng mga kalabasa. Mas ­epektibo ang pag-inom nito kung maglalagay ng dalawang patak ng olive oil sa juice. Makatutulong ang oli­ve oil para ma-absorb ng ka­tawan ang benepisyo ng carrots sa mata. Bago matulog ay maglagay din ng malamig na pipino sa mata para ma-relax.

Hugasan ng maligamgam na tubig ang mata kapag nakararamdam kang pagod na ito.

Iwasang humarap sa computer, TV, at cell phone dalawang oras bago matulog.

Show comments