Ang Trunyan na isang traditional Balinese village ay kilala sa kakaiba nilang kultura, hindi nila inililibing ang mga taong yumao na, sa halip ay pinababayaan na lang nila itong ma-decompose sa isang bukas na kulungan hanggang sa maging bungo.
Kapag may bagong pumapanaw, inaalis na nila ang mga lumang bangkay at saka doon ipapalit ang bagong katawan.
Ang mga lumang buto ay tinatapon na at ang bungo na lang ang matitira, dinadala nila ito sa Taru Menyan o banyan tree na ang ibig sabihing ay ‘a nice smelling tree’.
Ang mga punong ito ay may kakayahang maglabas ng magandang amoy dahilan para maharang ang masangsang na amoy mula sa mga nabubulok na katawan.
Samantala, kung nais mong marating ang nasabing village, hindi ka naman gaanong mahihirapan dahil maraming public transportation ang puwede mong sakyan papunta sa capital ng Bali na Denpasar. Tatlong oras ang tagal ng biyahe nito.
Pagdating mo sa paanan ng village, sasakay ka pa sa isang bangka, na tatagal 20 to 30 minutes. Pagdating mo roon ay sasalubong sayo ang mga lokal na handa kang ilibot sa kanilang lugar.