Kinilabutan ang mga gumagamit ng Google Map Street View sa internet matapos nilang makita ang isang hindi inaasahang imahe na nahagip diumano ng camera sa isang liblib na beach sa Russia.
Sa unang tingin ay aakalain mong normal lamang ang tatlong tao na makikita sa picture, pero ‘pag tinignan mo ito nang mabuti at malapitan, makikita mo ang mga tao na para bang transparent lang.
Makikita mo rito ang isang babaeng nakapula kasama ang mga bata na parang nag-e-enjoy sa tabi ng dalampasigan. Mukha namang normal lang ang nasabing picture at marami ang nagsasabi na baka may teknikal lang na pagkakamali ang camera, kaya ito naging transparent at para bang malabo rin. Pero ang depensa ng iba, walang katau-tao sa paligid.
Samantala, isa lamang iyon sa mga misteryosong nagpapakita sa nasabing lugar. Saksi ang mag-asawang Helen Wakeman, 43, at John Dargan, 33 sa mga kaluluwang ‘di matahimik doon.
Ghost hunter ang dalawa at napagpasyahan nilang sumama sa isang tour sa abandonadong haunted castle, roon nila nakunan ang pinaniniwalaang espirito ng isang monghe na tila papalapit sa kanila.
“We were the first couple to walk up the steps so there was no one in front of us.
“The tour guide told us that monks from the nearby priory would have walked up the steps towards the castle for prayers and lessons and the shape look similar to a habit.”