Linta sa lalamunan!

Nagulat ang mga doktor nang akalain nilang isang tumor ang kanilang tatanggalin sa lalamunan ng isang babaeng ‘di na pinangalanan, pero yun pala ay isang linta. Gumagalaw-galaw pa ito habang nakapulupot sa sinuses ng babae.

Ang 63 years old na biktima ay nakatira sa Ha Giang, Vietnam.

Nagpunta ito ng ospital para sana magpa-check up dahil hindi na raw mawala ang migraine niya na tumagal na ng tatlong buwan.

Pagkatapos ng ilang pagsusuri, sinabi sa kanya na meron nga siyang tumor sa lalamunan at kailangan na siyang maoperahan.

Nang umpisahan na ng surgeons ang ope­rasyon, wala naman silang nakitang tumor, ang nakita lang nila ay isang linta na dalawang pulgada ang sukat.

Agad nila itong kinuha, at ayon sa kanila, kung hindi pa ito natanggal, mala­mang ay atakihin na nito ang sinuses niya na magi­ging sanhi para mahirapan na siyang makahinga.

Kitang-kita sa foo­tage kung paano tinanggal ang parasite sa lalamunan, kumikislut-kislot pa ito nang ipatong ng doktor sa tray.

Nakatira pala ang babae sa kabundukan at madalas na maligo sa mga spring water, dito marahil niya nakuha ang linta.

Show comments