^

Para Malibang

Nakakatakot na tulay sa Japan, optical illusion lang

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Parang roller coaster ride raw ang iyong mararamdaman ‘pag dumaan ka sa Eshima Ohashi bridge na matatagpuan sa Japan.

Sa unang tingin ay napakatarik na tulay ang inyong makikita. Isa na rin itong tourist attraction kung saan nagpapa-picture ang mga turista sa harapan ng nasabing tulay dahil napakataas nga nito at tila gugulong ang sino mang mag-slide rito.

Pangatlo ito sa pinakamalaking rigid frame bridge sa buong mundo.

Kung titignan sa malayo, halos imposibleng makaakyat at makababa ang anumang klase ng sasakyan sa nasabing tulay dahil sa sobrang kataasan.

Pero h’wag mag-alala dahil ligtas magpabalik-balik ang anumang sasakyan sa Eshima Ohashi bridge dahil ‘pag malapit ka na ay hindi naman pala ito masyadong mataas.

Depende lamang ito kung paano mo kukunan ng litrato ang tulay.

OPTICAL ILLUSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with