Mahalagang maituro sa bata ang independence at adventure. Ang pagkakaroon ng self-confident ng anak na gustong sumubok ng mga bago bagay na walang takot kahit magkamali. Sa mga nakababatang anak ay kailangan ang gabay ng magulang, pero sa sidelines lamang sina tatay at nanay habang nanonood.
Mag-set up o magbigay ng task kung saan hayaan munang gawin ng anak mag-isa ang isang bagay, pero siguraduhin na safe ang sitwasyon. Bigyan siya ng space sa sarili niyang kakayahan.
Puwedeng ipakita muna ang gagawin gaya ng paggawa ng sandwich at hayaan siyang subukan ito na hindi siya iniistorbo o papakialaman. I-encourage na mag-explore ang anak kahit sa trip sa bagong park, bagong pagkain, o mealtime.
Maaaring daytrip at outing, new hobbies, bakasyon, trips na kasama ang teammates o schoolmates upang ma-expand ang horizon at ma-build ang confidence ang abilidad kung paano i-handle ang bagong sitwasyon.
Pero siguraduhin na ligtas ang lahat ng puwedeng puntahan at gawin ng anak sa supervision ng kanilang teacher, coach, o guardian na makakasama ng mga bata.