Noong Gr. III student ako sa Isabel Delos Reyes sa may Tondo, minsan sumama ako sa kaklase kong babae para dun kami mag-lunch sa bahay nila.
Pagpasok namin sa bahay nila ay hindi siya nagbukas ng ilaw. Mayroon lamang na dim light sa may bandang kusina ang pinanggagalingan ng konting liwanag. Nagtataka ako na ang buong bahay nila ay puno ng magkakapatong na box hanggang halos kesame ang taas.
Nagtanong ako sa classmate ko kung ano ang nasa loob ng kahon na hindi agad ako sinagot nito. Out of curiousity ay sinilip ko ang laman ng box, nagulat ako dahil ang daming gumagapang na sigurado ako ay bulate ito. Bubuksan ko sana ang ilaw na napasigaw ang classmate ko na bawal daw dahil mabubulabog ang mga bulate at mamamatay na bawal mainitan. Ipinaliwanag niyang bulate nga ang nasa loob ng box na “cultured” daw na ginagawang hotdog.
Nung bata ako hindi pa masyadong uso ang hotdog noong panahon ng Martial Law days na hindi pa kayang bumili ng nanay ko dahil mahirap lamang kami. Pero tanda ko, yung classmate namin ay sosyal na yumaman ang pamilya na ang sideline that time ng mga magulang ay ang pag-aalaga ng bulate na pinararami nila saka ibenebenta sa factory na ginagawang hotdog.
Ngayon alam n’yo na kung bakit soft and jucy ang paboritong kinakain na hotdog ng mga anak n’yo? Kasi galing ito sa “cultured” na bulate na inaalagaan sa madilim at malamig na temperature ng mga cool na worms. Pinasarap pa ng mga chemicals na preservatives na masama sa kalusugan. Madalas ay ipaalala ng mga doktor na ang hotdog ay kabilang sa junk food dahil walang sustansiyang nakukuha rito. May vitamins nga bang nakukuha sa cultured na bulate?