Pabor ka ba sa bagong pamasahe?

* Approve na nga ‘di ba? May magagawa pa ba tayo? Nandiyan na yan. Kaso kasabay nito ang pagtaas din uli ng mga bilihin. – Maricel, Malabon

* Ganun talaga. Totoo naman na mataas din ang gasolina at diesel na inaalma ng mister kong driver. Piso lang naman ang dinagdag. Pantawid gutom na rin sa mga tsuper sa mahirap nilang biyehe sa maghapon.

– Gigay, La Union

* Tumaas na lahat ng bilihin na tinamaan ng TRAIN Law. Akala ko naman makakatulong para tumaas ang sahod, yun pala yung mga commodities sapol din. Siyempre lahat ng mahihirap lalo naghihirap na naman. Dagdag pa ang pagtaas din ng pamasahe. Hays – Jocy, Manila

* At least piso lang, malaking bagay na yan sa mga driver gaya ng tatay ko. Mura pa rin yun, ‘di hamak. Discounted pa rin ang mga estudyante. Maliit na bagay pa rin yan na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa. Kaway-kaway sa mga driver na great lo­ver.

– Liza, Marikina

* Sana naman ang susunod na itataas ay ang suweldo. Lalo na ang mininum wage sa mga probinsiya.  Pati na rin ang endo ay tuluyan nang ipatupad sa lahat ng kompanya. – Wenila, Mambog

Show comments