Nakalulungkot na may mag-asawa na mapuputol na ang tali na nagbibigkis sa kanilang pagsasama. May mga couple na suko na sa maaaring makapagpapabago o magpapahilom ng sugat nina mister at misis. Kadalasan ang husband at wife ay nakapokus na lang ang lahat ng effort sa problema at mga sintomas ng banta sa relasyon ng mag-asawa. Hindi napapansin ang pinanggagalingan ng sakit na hindi nada-diagnose sa totoong problema sa kanilang marriage life.
Ang isang sakit ay maaari pang mapagaling upang hindi lumala. Ganito rin sa buhay mag-asawa na kinakailangan ng panlaban at proteksiyon para hindi mapasok ng kaaway at tukso ang pagsasama. Sa pag-preserve ng marital harmony, hindi maiiwasan ang pagsubok. Kapag nakita ni mister ang problema, ipaalam ito kay misis. Pag-usapan ang isyu na ilatag ang tama at mali na ang goal ay upang magkaintindihan. At hindi para magkakompentensiya sina mister at misis. Ang mag-asawa ay nasa iisang bangka na kailangan ng team work at pakikinig sa isa’t isa. Upang kumalma at maging matatag ang bangka na kahit dumaan sa maalon at bagyo ay mananatili itong sasabay sa agos ng panahon.