Totoo na kailangan paganahin ang utak na kapag hindi ginagamit ay pumupurol. Ang taong aktibo sa mga activities ay nakatutulong na ma ging healthy mentally. Subukan na magbasa ng libro. Makinig ng lecture o radyo. Makipaglaro. Mag-aral ng bagong lenggwahe. Sumagot ng puzzle, at iba pa. Ang Duke University ay gumawa ng exercise na tinawag na neurobics, hinahamon ang utak na mag-isip ng mga bagong bagay. Pinapagana nito ang five senses na susi para ma-exercise ang utak. Kung right-handed ay subukan gamitin ang kaliwang kamay. Sa pagmamaneho ay subukan dumaan sa ibang route. Ipikit din ang mga mata at tingnan kung kayang malaman ang ulam sa pamamagitan lang ng lasa nito.
Ang work out o exercise ay nagpapalakas ng supply ng dugo sa utak na nakatutulong sa brain cells. Ang pagiging aktibo ay nakatutulong din sa memory, imagination, at pati na rin ang pagpaplano ng isang task ay nagpapagana ng utak.